Pagiging bias ng senator-judges, dinepensahan

DINEPENSAHAN ni Senate President Juan Ponce Enrile ang kapwa mga Senator-judges sa impeachment court kaugnay sa komentong pinapaboran nila ang prosecution panel.

Ani Enrile, hindi inaabuso ng kanyang mga kasamahan ang kanilang kapangyarihan sa ginawang cross examination kay Supreme Court clerk of Court Atty. Enriquita Esguarra Vidal kaungay sa State Assets, Liabilities and Networth ni Chief Justice Corona.

Ito ay makaraang gisahin ni Senador Franklin Drilon at napaamin si Vidal na dala niya ang SALN ni Corona na napilitang isurender makaraang magdesisyon ang impeachment court.

Iginiit pa ni Enrile na walang nilabag sa rules of impeachment ang mga senator-judge.

Idinagdag pa nito, ginamit ng mga senator-judge ang kanilang karapatan at mandato sa pagtatanong kay Vidal.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply