Pagkakaisa at kasiyahan sa Pandacan sa Pista ni Sto. Niño

ANG patuloy na mabuting gawa para sa walang hanggang pagpapala ang isa sa dahilan bakit may pagkakaisa at kasiyahan sa ika-anim na distrito ng Maynila.

Nagsanib puwersa ang mga taga-Pandacan sa paggunita ng kapistahan ni Senyor Sto. Niño. Ang mga nagsipagdalo sa isa sa pinakaimportante at pinakaaabangang okasyon ng mga taga-Pandacan ay hindi magkamayaw sa pagsisimula pa lang ng kanilang araw.

Ika-14 ng Enero taun-taon, ang mga parokyano ng Iglesia Filipina Independiente sa Pandacan ay sinasalubong ang pagsikat ng araw ng isang banal na misa.

Sinusundan ng parada ng mga sampung banda na umaabot ng halos tatlong oras.

Nililibot ng mga kalahok na banda ang ilang lugar sa Pandacan.

Ngayong taon, kabilang sina Rep. Imelda Romualdez Marcos, lehitimong nanirahan sa bayang ito at Cherina Ducusin na ilang dekada nang naninirahan sa bayang ito ay kapwang tumayong mga Hermana Mayora.

Ang may-ari ng isa sa pinakasikat na pabago sa Pilipinas ngayon ang Aficionado na si Joel S. Cruz at si  Marc Dominguez ay isa sa mga tumayo namang hermano mayor.

Ang isa sa sampung banda naman na nakilahok ay nagmula pa sa ilang salinlahi na mga musikero. Ang pamilya Domingo, ilang dekada na ngayong tumutugtog tuwing sumasapit ang kapistahan ng Mahal na Sto. Niño  ang walang sawang nagbibigay ng saya sa mga iniikutan nilang manonood sa ilang bahagi ng Pandacan.

Si Jesus B. Domingo, mahigit nang tatlong dekada ay taun-taong naghahandog ng musika at saya sa araw ng kapistahan ni Senyor Sto. Niño kung siya ay nandirito rin lang sa Pilipinas.

Si Domingo ay dating miyembro ng Spellbound Band, sikat na banda sa loob man o labas ng ating bansa.

Isa ang banda nila sa naiimbitahan na handugan sa kaarawan noon ng yumaong hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. at pati na rin ang maybahay niyang beteranang aktres na si Susan Roces na ididaos sa tahanan nina Da King.

Taong 2002, ang banda nina Jesus ay lumayag sa barko at tumungo sa ibang bansa katulad ng Singapore.

Noong nakaraang taon ay nagtanghal siya at ang bago niyang grupo sa isang sikat na hotel sa Thailand kaya ngayong 2012 kasama na niya sa kapistahan ang labing apat na taong gulang niyang anak sa paghahandog ng awit sa parada.

Si John Jestoni Co Domingo, limang taon nang lumalahok sa Banda Zamora, isa sa sampung lumahok na banda ngayong kapistahan at cymbals ang malimit niyang instrumento kapag siya ay walang pagod sa pag-iikot sa kanyang bayang sinilangan.

Nang sumapit ang hapon ang Romano Katoliko naman ay nagsagawa ng sikat na sikat na street dance na mas kilala sa Buling Buling. Ito’y isang uri ng sayaw na ang mga kalahok ay mula sa iba’t ibang grupo na taga-Pandacan.
Ilan naman sa mga sumasayaw ay may kanya-kanyang tangang imahe ni Niño Hesus habang ang iba ay suot ang naggagandahang baro’t saya.

Ang Buling Buling ay sikat hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibayong dagat. Marami sa mga nagsidalo na mamamayahag ay hindi lang mula sa bayang ito kundi maging sa ibang bansa. Ang mga nakisayaw at nakinood ay lalong nagtilian nang dumaan na ang mga sumasayaw miyembro ng Sto. Niño de Pandacan Charismatic Community sa pangunguna ng kura paroko na si Fr. Lari Abacco, Parents ng Knights of the Altar, CWL Sto. Niño de Pandacan Unit, Couples for Christ, CFC HandMaids of the Lord Peñafrancia Pandacan, El Shaddai DWXI Prayer Partners Foundation Int’l Light of Christ Prayer Community, Kapatiran ni Gomburza at ang Iglesia Filipina Independiente Pandacan.

Ang mga mag-aaral, guro at kawani ng iba’t-ibang paaralan ay lumahok din sa pasayaw na ito. Pinangungunahan ng St. Joseph’s School Pandacan, ang 57th Grand Alumni Batch ’83 at ang kanilang Boy Scouts of the Philippines (BSP), Bacood  Elem. Sch., Bagong Barangay Elem. Sch., Bagong Diwa Elem. Sch., Beata Elem Sch., Carlos P. Garcia High School at ang kanilang BSP, Elpidio Quirino, ERDA Tech Foundation Inc., TESDA-NCR, Fe. Ma. Guerrero Elem. Sch., Gen. Emilio Aguinaldo Integrated Sch., M. A. Roxas High School Grand Alumni Batch ’82, Sta. Ana Elem School ay ilan sa mga lumahok sa taun-taong pasayaw na ito.

Ang pasayaw na ito ay pinasinayaan ng ilang dekada na ang nakararaan.

Ang mga representantes ng Maynila, konseho at at ilang mga kawani ay nakisayaw din sa nasabing okasyon. Sa pangununa nina Sandy Ocampo, Lou Veloso, Beth Rivera, Joy Dawis-Asuncion, maging ang mga kapitan de  barangay, at barangay kagawad ay hindi nagpahuli.

Hindi rin nagpahuli ang mga miyembro ng Hikers Clubs 1958, Walkers Club Inc., ang Pandacan Depots Services Community Volunteers from Brgy 830, 833, 834, at pati rin ang limang higanteng imahe na pawang nakapatadyong ay nakiindayog din sa mga awiting saliw mula sa mga musikerong nakibahagi sa Buling Buling.

Samantalang ang mga Barangay Police sa tulong din ng Traffic City of Manila, MMDA at Eagle Squadxxx ang nagpanatili ng seguridad para sa mamamayan habang ginaganap ang buong araw na pagsasaya at pagsasayaw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply