Pagkakasibak kay Gatdula, warning – Kiko

MAITUTURING na isang babala sa lahat ng nabigyan ng posisyon sa gobyerno at sa mga kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagkakasibak sa puwesto kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula.

Ito ay matapos masangkot sa sinasabing pangongotong sa isang Japanese national.

Ayon kay Senador Francis Pangilinan, patunay lamang na hindi pagtatakpan at hindi poprotektahan ni PNoy ang sinuman sa kanyang tauhan o opisyal ng gobyerno na gagawa ng kalokohan o katiwalian sa pamahalaan.

Aniya, magsilbing paalala at warning sa lahat ng appointee at kaalyado ng pangulo na dapat ay hindi mabahiran ng anumang kalokohan ang panunungkulan nila sa ahensya ng pamahalaan.

Nauna rito, kinatigan ng Malakanyang ang rekomendasyon ng fact finding team ng justice department na sibakin si Gatdula at ilan pang NBI officials dahil sa pagkakasangkot sa kidnapping.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply