Pagkakasunod ng Articles of Impeachment inilatag

UPANG hindi na maabala at tuloy-tuloy ang paglilitis, inayos at ipinaalam na ng prosecution panel sa impeachment court ang bagong pagkakasunod-sunod ng kanilang Articles of Impeachment na ipiprisinta sa panahon ng paglilitis kay Chief Justice Renato Corona.

Sa apat na pahinang manifestation na inihain nina Congressman Niel Tupas, lead prosecutor at private prosecutor Mario Luza Bautista, unang ilalatag ang mga ebidensya sa tatlong articles of impeachment, ang Articles 2, 1 at 7.

Nakapaloob sa Article 2, ang ill-gotten properties ni Corona na bigong ideklara sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth na naka-assign kay Representatives Marilyn Primicias-Agabas at Elpidio Barzaga Jr.

Samantalang hahawakan nina Representatives Raul Daza, Tupas at Neri Colmenares ang Article 1 na tungkol naman sa pagiging bias ni Corona na pumapabor kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at sa administrasyon nito.

Ikatlo ang Article 7, ang pagiging bias ni Corona sa paggagawad ng temporary restraining order pabor kay GMA at asawa nito na si Jose Miguel Arroyo para mabigyang ng kalayaan na makatakas sa mga kasong kinakaharap nito.

Nangako rin ang prosecution na ipaaalam sa takdang oras kung ano ang susunod na article na ipiprisinta sa impeachment court at sa defense panel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply