Pagkakautang sa casino ang talagang dahilan ng suicide ni Tyron Perez!

DINALA ang mga labi ni Tyron Perez sa Alfonso, Concepcion Tarlac pagkatapos na maiburol ito sa Loyola Memorial Park sa Sucat, Paranaque nang tatlong araw para madalaw siya ng kanyang malalapit na kaibigan sa showbiz. Nanguna na nga dito ang mga ka-batch niya sa StarStruck 1 na sina Nadine Samonte (first GF ni Tyron sa showbiz), Jade Lopez (na taga-Viva na rin tulad ni Cristine Reyes), Yasmien Kurdi (na tumaba na nang husto at mukhang wala nang balak mag-showbiz), Alvin Aragon (na isa nang Born-Again) with GF Izzy Trazona na tulad niya ay isa na ring Born-Again kaya tumiwalag na ito sa Sexbomb, Sheena Halili, Christian Esteban at Anton Dela Paz (na isa nang full time PAL steward).

Unfortunately hindi nakapunta si Cristine na nasa New York at Katrina Halili na nasa Batangas.

Ayon kay Yasmien, matagal na silang kinukulit ni Tyron na mag-reunion sila ng StarStruck Batch 1 pero dahil busy ang ilang kasamahan nila sa work ay hindi ito matuloy-tuloy.

Napaka-morbid nga na natuloy rin ang kanilang “reunion” sa mismong burol na ni Tyron.

Ang asawa ni Tyron na si Liv Espino-Perez na ang nag-confirmed mismo na suicide nga ang nangyari sa batang aktor. Alas-nuwebe ng umaga noong Dec. 29 nang nasagot niya ang tawag ni Tyron at sinabi nito sa cellphone na magpapakamatay na ito at pagkatapos ay nakarinig siya ng putok. Noong una raw ay hindi siya makapaniwala at baka umaarte lang ang asawa niya pero hello siya nang hello sa CP pero hindi na siya sinasagot ni Tyron. Nasa Baguio siya nang mga oras na ýun kaya naman dali-dali na siyang bumaba papuntang Manila!

Kinumpirma rin ni Liv na umalis si Tyron sa bahay nila sa Alabang noong Nov. 26 at mula noon ay mahirap na itong hagilapin. Napag-alaman din niya na may utang na malaki nga ang asawa niya dahil sa pagsusugal sa casino. Paalis-alis din siya nang bansa (flight attendant si Liv) kaya hindi rin niya masubaybayan si Tyron. Nag-tweet siya noong Nov. na kesyo nawawala ang kotse niyang itim na Toyota Altis dahil gusto nga niyang makuha ang atensyon ni Tyron.

True enough, bigla itong tumawag sa kanya na at kinastigo siya nito na bakit sinabi niyang ninakaw ang kotse samantalang all the while ay alam niyang nasa aktor ito. Ito ýung same black Toyota Altis kung saan natagpuang wala nang buhay ang aktor sa service road ng Valenzuela. Balita ring naisanla ni Tyron ang naturang kotse dahil sa pagkakautang nito sa casino pero nabawi rin nang pinahiram ang aktor ng kaibigan niya na tubusin ito.

Ngayon ay may balita pang kumakalat na kesyo may naka-live in pa si Tyron na isang aktres two months prior sa pagpapatikwal ng aktor na isa raw sa dahilan ng paghihiwalay nilang mag-asawa. Pero ayon kay Liv, walang hiwalayan na naganap at katunayan nagkita at nakapag-usap pa silang mag-asawa noong Dec. 26 at nagbalak na nga silang pareho nang manirahan sa States at doon na sila parehong magtatrabaho.

Si Tyron ang pangalawang StarStruck na namatay ng Disyembre pagkatapos ni Marky Cielo.

Pangatlo naman siyang artista na namatay nang petsang Dec. 29, pagkatapos nina Rejoice ng Baywalk Bodies last year at ni Mico Sotto noong 2003. Pangalawang Perez na artista rin siyang namatay sa loob ng kotse after AJ Perez earlier this year. May his soul rest in peace!

***

NAGKATOTOO ang prediction ni Kris Aquino na mananalo na Best Actor si Dingdong Dantes sa MMFF awards dahil sa galing na ipinamalas nito sa pag-arte sa Segunda Mano.

Nakalulungkot lang dahil nabahiran na ito ng kontrobersya at ginamit lang daw ni Kris ang impluwesya nito sa board of jurors which is very unfair to Kris at kay Dingdong na rin na totoo namang napakahusay sa kanyang role na isang psychotic sa pelikula.

Natupad din ang wish ni Kris na pumangalawa sa takilya after Enteng Ng Ina Mo. Sa latest gross tallies nalampasan na ng Segunda Mano ang Panday2 kaya nag-No. 2 na ito ngayon sa box-office. Hindi malayong magkaroon na rin ng kaganapan ang wish ni Kris na maka-P150M gross ito sa final tally ng box-office receipts. Nangako si Kris sa movie press na magbo-blowout siya nang bonggang-bongga kung makaabot ng P150M ang Segunda Mano! (I’m sure it’s going to happen Tonee. Truly happy for Kris! – Ed)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply