Pagkastigo sa DoT slogan, ‘good publicity’

MABUTING publisidad kung ituring ng Malakanyang ang iba’t ibang reaksyon ng publiko sa bagong tourism slogan na “It’s More Fun in the Philippines” ng Department of Tourism.

Ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte, dahil sa mga batikos, maging sa online community sites ay maraming Pinoy ang gumawa ng sarili nilang bersyon para ipakita sa buong mundo kung bakit mas masaya sa Pilipinas.

Kasabay nito, hinimok naman ng opisyal ang mga bumabatikos sa bagong ad campaign ng DoT na bigyan sila ng pagkakataon.

Una rito, hindi naiwasan na punahin ni dating tourism secretary at dating Sen. Richard Gordon ang bagong slogan matapos mapag-alaman na kinopya lamang sa slogan ng Switzerland noong taong 1951.

Nabatid kasi ni Gordon na ang “it’s more fun in the Philippines” slogan ng DoT ay kapareho ng “it’s more fun in Switzerland.”

Maalala na sa ilalim ng panunungkulan noon ni Gordon sa kagawaran, ginamit naman nito ang “WOW Philippines” slogan.

Pero ayon kay Valte, hindi iyon masyadong epektibo lalo’t hindi maintindihan ng mga dayuhan ang salitang “Wow”.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply