Pagkatapos ipatuka sa ahas: Ulo ni Piolo binitbit ni KC

MEDYO mahilo-hilo ang mga taong nakakikita ngayon sa bagong sexy pictorial ni KC Concepcion na pabalat ng isang fashion magazine kung saan makikitang may bitbit siyang ulo ng isang lalake habang may nakapulupot na ahas sa kamay nito. May palagay na ang ideyang iyon ay galing sa dalaga at ang hawak-hawak nitong ulo ay sa ex-boyfriend na si Piolo Pascual. Pagkatapos niyang ipatuka sa ahas ang aktor ay saka niya tinanggal ang ulo nito? Hahaha!

Pero imahinasyon lang ‘yun ng iba. Baka naman may iba pang ibig ipakahulugan ang singer/TV host/actress sa pose na ‘yon, o, maaring ang staff ng magazine ang may pakana nun’n.

So far, ito na ang pinaka-daring na litratong nakita namin kay KC. First time niya itong ginawa at positive ang feedbacks na naririnig namin. Kesyo hindi ito dumaan sa photoshop katulad nang ginawa kay Jinkee Pacquiao at hindi siya ginamitan ng sandamakmak na make-up like Charice Pempengco. Totoong-totoo ang mga photos na makikita sa naturang babasahin.

Tila natoto ang pamunuan sa mga negatibong reactions na nangyari kina Charice at Jinkee na puro daya raw ang mga kuha sa kanila. Ayaw nilang mapuna at tawaging manloloko. Kaya binabati natin ang Rogue magazine.

At least, nakikilala ang cover ninyo at alam ng tao kung sino ang binibili nila. Unlike sa iba na hitsurang hindi na tao ang binebenta nila dahil sa sobrang retoke ng pagmumukha.

Anyway, going back to KC, ito bang pagpapaka-daring ng anak ni Megastar ay parte ng pagbabagong imahe ng una o pagrerebelde lamang dahil sa nangyari sa kanila ni Piolo na hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang nasasaktan. Hindi ba matanggap ni Ms. Concepcion na for the first time ay may lalaking nanlinlang, este, nanloko sa kanya?

Well, ganyan talaga ang buhay. Along the road ay natitisod tayo, at minsan nga’y nadadapa pa, naliligaw, ang mahalaga patuloy sa paglakad papunta sa tamang direksyon.

‘Yun na!

***

Sorry ni Cong. Roman Romulo wala nang silbi

NAGTATAWAG at humingi raw ng sorry si Cong. Roman Romulo sa mga inimbita pero pagdating sa wedding reception ay itinaboy dahil wala raw sa guest list. How come na alam ni congressman ang mga numero ng mga napahiyang invited guests pero wala sa listahan? Ibig sabihin kilala niya personally ang mga taong iyon, bakit nawala sa lista? Wala namang raffle para ipagtabuyan kagaya nang ginagawa ni Lolit Solis sa mga presscon ng GMA-7 na parang may epidemiya at nilalayuan na ng mga talent nila at naglilipatan sa ABS CBN.

Ang layo nang pinanggalingan ng mga taong iyon, from Manila to Laguna tapos pagdating sa venue hindi pala sila makapapasok. Bakit hindi na lang sila pinatuloy sa loob at pinalafang Mr. Honorable Congressman, Sir? Kung tutuusin, mas malaki pa ang ginastos nila sa gasolina kesa sa kung pinakain nyo sila.

Sabagay, hindi naman kasi lugaw-lugaw lang ‘yan na pinakakain niya sa feeding program na ginagawa niya para sa mga mahihirap na residente ng Pasig. Tama?

Naku, hindi puwede ‘yan kay Vilma Santos na ni minsan ay walang memory gap. Mas bata pa nga si Ate Vi kesa sa mister ni Kon. Shalani Soledad.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply