Pagkatapos magisa, clerk of court isinumite ang kopya ng SALN ni Corona

WALANG nagawa si Supreme Court (SC) Clerk of Court Enriquetta Vidal kundi isumite ang kopya ng statements of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Chief Justice Renato Corona matapos iutos ng Impeachment Court.

Ito ay sa kabila ng pakiusap ni Vidal na bigyan siya ng panahon para makahingi ng pahintulot sa Korte Suprema.

Bagama’t nais din ni Senator-judge Joker Arroyo na hintayin ang magiging tugon ng SC upang maiwasan ang gusot sa pagitan ng dalawang pantay na sangay ng pamahalaan, ay isinapinal na ni Presiding Judge Juan Ponce-Enrile ang ruling na nag-uutos kay Vidal na isurender ang SALN ng punong mahistrado.

Una rito, ay pinayuhan nina Senator-judge Aquilino “Koko” Pimentel III at Edgardo Angara na hindi dapat matakot si Vidal na ipa-contempt ng SC sakaling ilabas niya ang mga kopya ng SALN dahil makatwiran at “in good faith” naman anila ang kanilang layunin.

Gayunman sinabi ni Vidal, na batay sa resolusyon noong Mayo 2, 1989, tanging ang Korte Suprema lamang ang may karapatang magbigay ng pahintulot para ilabas ang mga kopya ng SALN ng mga mahistrado nito.

Ngunit, iginiit ni Enrile, na hindi hiling kundi order ang subpoena na nag-uutos kay Vidal para dalhin at iprisinta ang mga kopya ng SALN kaya sa huli, napilitan ito na isurender sa Impeachment Court ang mga dokumento.

Humingi naman ng pahintulot ang prosekusyon upang makita at markahan bilang ebidensya ang mga kopya ng SALN na kinatigan naman ng Impeachment Court kahit na tutol ang depensa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply