Pagkatapos ng baha

PAGKATAPOS ng mga baha sa Mindanao at Visayas, tiyak na marami pang bahang darating sa buong Pilipinas.

Ang palusot ng maraming local official, pati na yata ang buong mundo, ay malala na ang climate change na siyang nagdudulot ng mga ganitong sakuna sa atin. Bakit ba may climate change? Ito ba ay natural na pangyayari at walang ibang dapat sisihin kung hindi ang kalikasan?

May climate change dahil sa kakapalan ng mukha ng mga taga-gobyerno. Ayaw nilang ipatupad ang mga batas laban sa mga sumisira ng ating kapaligiran.

Ang New People’s Army ay nagbanta na parurusahan nila ang mga naninira ng ating kapaligiran katulad ng dagat, bundok at ilog. Dapat na talagang magalit ang NPA dahil mauubusan na sila ng mga bundok na kung saan sila naninirahan.

Si PNoy naman ay for the first time nagpapasiklab at ipatitigil daw niya ang pagputol ng mga punong kahoy sa ating mga kabundukan at kagubatan. Wow, really?

Bolabs yan, kung ako ang tatanungin ninyo. Lubhang makapangyarihan ang mga tao sa likod ng illegal logging. Maniniwala pa ako kung may hakbang si PNoy na kasuhan at ipakulong ang illegal loggers na yan. Okay si PNoy, paano naman ang members of his Cabinet? Ang mga hukom at justice, fiscal at kongresman? Mahirap ang buhay ngayon, lalo na sa mga taong lalang sa kasakiman at karangyaan.  Paano sila kikita kung may total log ban?

Kung  napapansin  ninyo,  ang ating secretary of environment ay walang kakibo-kibo pagdating sa usapang pagsira ng kalikasan. Kasabwat din ba siya ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan?

Nagkalat ang mga fishpen hindi lamang sa mga ilog kundi pati na sa mga dagat natin.

Pero may ginagawa ba ang DENR upang sugpuin ang illegal operators na ito?

Puro pasiklab lang yata ang kayang gawin ng ating pamahalaan. Pasiklab na lagi na lamang mintis.

Panahon pa yata nila Manuel Quezon ang problemang ito, maski itanong pa ninyo kay Manoling Morato.  Kataka-taka namang lahat ng mga naging Presidente ng ating bansa ay walang ginawa upang bigyan ng proteksiyon ang mamamayan laban sa mga naninira ng ating kalikasan.

Baka malaki ang perang involved sa illegal activity na ito. Pagbigyan din naman ninyo ang bayan. Huwag puro bigayan at lagayan na lamang at puro tongpats ang inyong inaasikaso.

Mag-climate change na kayo, at change for the better. Baka isang araw, kayo mismo ang mapinsala ng kalikasan. Sana nga, para mabawasan naman ang masasama sa ating bayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply