Paglalabas ng ITR ni Corona itinulak ni PNoy

MAY GO SIGNAL ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagpapalabas sa income tax returns (ITR) ni Supreme Court (SC) chief justice Renato Corona upang magamit sa impeachment trial ng huli.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kailangan lang na malaman ng taumbayan ang ITR ni Corona.

Magugunitang ipinatawag ng impeachment court si BIR Commissioner Kim Henares para tumestigo hinggil sa binayarang buwis ni Corona bilang bahagi ng pagdinig sa Article 2 ng Articles of Impeachment na may kinalaman sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Bago mailabas ang ITR ni Corona, kailangan muna ang approval ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sinabi ng opisyal na hindi nila hahadlangan ang mga opisyal o kawani ng pamahalaan sakaling ipa-subpoena sa paglilitis.

Si Pangulong Aquino ay siyang nagtutulak mismo ng impeachment laban kay Corona.

“If a request is made to the President, in all likelihood, yes,” ayon kay Sec. Lacierda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply