Paglalahad sa ebidensya vs Corona hindi sub judice – Kamara

IGINIIT ng  prosecution team na hindi saklaw ng sub judice rule ang kanilang pagsasapubliko ng ilang ebidensya laban sa impeachment case ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Rep. Miro Quimbo, tagapagsalita ng impeachment prosecution panel, nirerespeto niya ang naging pananaw ni Sen. Panfilo Lascon laban sa kanilang pagsapubliko ng mga ebidensya ngunit hangga’t hindi pa umano sila nakikilala bilang mga prosecutors sa impeachment court ay hindi pa puwedeng mai-apply rito ang sub judice rule.

Naniniwala si Quimbo na bago ang kanilang appearance sa Senado bilang impeachment court sa Enero 16 ay maaari silang maglathala ng anumang impormasyon kaugnay ng kaso na sa tingin nila ay makapag-educate sa taong bayan kaugnay sa kaso ni Corona.

Aminado naman si Quimbo na sa oras na mayroong opisyal na pagpuna sa impeachment court ay agad silang tatalima rito. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply