Paglilipat kay GMA sa kulungan malalaman sa Biyernes

MALALAMAN na sa Biyernes kung aayunan ng Pasay Regional Trial Court (RTC) Branch 112 ang hiling ng prosekusyon na mailipat na ng  kulungan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Pansamantala kasing ipinagpaliban ang unang pagdinig sa mosyon noong nakaraang Biyernes dahil natapat iyon sa official leave ni Judge Jesus Mupas dahilan para ilipat sa Pebrero 3, alas 8:00 ng umaga.

Uunahing diringgin ng korte ang omnibus motion ng prosekusyon para malaman ang tunay na kalagayan ng dating pangulo gayundin ang mosyong mailipat na siya sa ordinaryong selda.

Nakadepende sa medical report ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang magiging sagot ng korte kung ilipat na si GMA sa regular na kulungan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply