Pagpapabitiw kay Cuevas ‘di kakagatin ni Enrile

WALANG balak si Senate President Juan Ponce Enrile na patulan ang paghikayat ng isang abogado mula sa Malakanyang kay dating associate Justice Serafin Cuevas para magbitiw bilang lead defense counsel ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Enrile, hindi na iyon kailangang talakayin dahil isa lamang itong side issue na makapagpapahaba sa panahon ng paglilitis.

Gayunman, diringgin ito ng senator-judges sakaling may magmosyon sa impeachment court para aksiyunan.

Samantala, sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na isang seryosong akusasyon ang inilutang ni Cuevas at maaaring bigyan ng warning o ‘di kaya ay tuluyang i-cite for indirect contempt ang tinutukoy nitong abogado mula sa Malakanyang.

Binigyang-diin naman ni Senador Ferdinand Marcos Jr., na hindi kagulat-gulat ang ganitong klaseng balita mula kay Cuevas dahil alam naman ng lahat na mismong si Pangulong Noynoy Aquino ang nag-initiate ng pagpapatalsik sa puwesto kay Chief Justice Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply