Pagpapakulong sa mga abusado waepek

WALA ba kayong napapansin, Suki, sa nagaganap sa buhay ni Juan?

Noong nakaraang panahon, panay ang puri sa kanilang mga sarili ang mga onorabol dahil sa pag-unlad umano ng ekonomiya ng repablik ni Juan.

Kung hindi umano sila magagaling, sana’y kasama ang Pinas sa ibang mga bansa na nakaranas ng krisis.

Matatag ang mga batayang pang-ekonomiya o ekonomik pundamentals, sabi nila.

‘Yun pala, sa huli, ang ekonomiya lang pala ng mga dambuhalang negosyanteng switik at buwaya sa gobyerno ang matatag. Ang kay Juan ay panay krisis, panay hirap at kagutuman.

Kaya nang may nagsisigaw ng “kung walang korap, walang mahirap”, hayun doon nagtakbuhan ang maraming lahi ni Juan.

oOo

Ngayon nga ay panay turo sa mga korap o abusado kaya sa poder noon at ngayon. At panay ang mga pagpapakulong o tangkang pagpapakulong sa mga ito.

Sabay-sabay ang Ombudsman, Sandiganbayan, Regional Trial Court, Kamara at Senado na pinakikilos laban sa mga ito.

Pero napapansin ba ninyo na parang hindi makakonek ito sa islogang kinodigo kay Erap na unang nagsabi ng “Erap para sa mahirap?”

Paano? ‘Yung pagpipiyesta ng mga may islogan na “oil price hike”, “power rate hike”, “toll hike”, at iba pang hike ng mga Herodes ay patuloy.

Nakapagtatakang kung gaano kapipi, kabingi at kapilay sa mga “hiker” na ‘to ang mga bosing sa nakaraang panahon, ganito rin ang mga bosing sa ngayon.

Sa katatagan ng mga “hiker” na ‘to at mga buwayang onorabol sinusukat pa rin ang ekonomiya ni Juan.

At teyk not, Suki, may masamang balita mula sa mga sarbeyor.

Dumarami ang nagsasabing pasama nang pa-sama ang kanilang kalagayan sa buhay kahit na may pinakukulong nang mga abusado at korap. Nakupo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply