Pagpapalakas sa kaso vs Corona ipinaubaya sa prosekusyon

BAHALA na ang prosekusyon na palakasin ang kaso laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ipinaubaya na nila sa prosekusyon na sagutin ang alegasyong depektibo ang reklamo.

Magugunitang mismo na impeachment court ang nagsabing “faulty” o depektibo ang ilang bahagi ng Article 2 ng impeachment complaint.

Sinabi pa ni Valte, na diskarte na nina Rep. Niel Tupas, Jr. ang pagpapatawag sa tatlong mamamahayag na umano’y testigo sa pagiging malapit nina Corona at dating Pangulong Gloria Arroyo.

Samantala, hindi naman nabahala ang Malakanyang sa tila pagwo-walkout ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas kahapon (Enero 26) sa paglilitis dahil nagkausap na aniya ang prosekusyon at naayos ang hindi pagkakaunawaan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply