Pagpapalaya sa Abadilla 5 muling inihirit sa DOJ

DUMULOG muli kay Justice Secretary Leila de Lima ang dalawa sa maybahay ng limang akusado sa pagpatay kay dating Metrocom Chief Col. Rolando Abadilla o kilala sa tawag na Abadilla 5.

Ayon kina Gng. Melanie de Jesus at Marilou Lumanog, alam naman nilang nagsumite na ng memorandum si de Lima sa Malakanyang upang mapalaya na ang Abadilla 5, kaakibat ng memorandum ni de Lima ang rekomendasyon ng Board of pardon and Parole na mapagkalooban ng commutation ang Abadilla 5.

Iginiit nina Lumanog at de Jesus na noong nakaraang taon pa naglabas ng rekomendasyon ang board of pardon and parole ngunit wala pa ring balita kung sila ay makalalaya na.

Nais ng dalawang ginang na makalaya na ang kanilang mga asawa habang buhay pa, dahil

ang akusadong si Remesis  de Jesus ay may sakit na hypertension samantalang si Lenido Lumanog ay sumailalim na sa  transplant.

Sinabi ng dalawang Ginang na hindi kuwalipikado sa presidential pardon o clemency ang Abadilla 5 dahil hindi sila hihingi ng tawad sa kasalanang hindi nila ginawa.

Labing anim na taon nang nakakulong ang limang akusado na kinabibilangan din nina SPO2 Cesar Fortuna, Joel de Jesus at Augusto Santos.

Si Abadilla ay napatay noong June 1996.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply