Pagpapasubpina sa pamilya Corona ibinasura ng Senado

IBINASURA ng impeachment court ang kahilingan ng prosekusyon na ipasubpina ang asawa at mga anak ni Chief Justice Renato Corona.

Kung kahapon (Enero 16) ay naka-puntos ang prosekusyon, sa simula ng pagdinig ngayong hapon ay unang dinesisyunan ng impeachment court ang pagbasura sa kahilingan ng prosekusyon na ipasubpina sina Mrs. Cristina Corona at mga anak na sina Karla Corona-Castillo at Francisco Corona.

Ito ay kaugnay sa mga kuwestyunableng ari-arian ni Corona na ayon sa pagsasaliksik ng prosekusyon ay aabot sa 45, subalit pawang hindi idineklara sa kanyang statement of assets and liabilities and net worth (SALN).

Kaninang umaga ay nanindigan si House Deputy Speaker Erin Tañada sa isang press conference na patutunayan nila sa impeachment court na hawak nila ang matitibay na ebidensya na si Corona ay mayroong 45 na ari-arian.

Paliwanag pa ng korte na “this court finds the issuance of subpoenae ad testificandum at subpoenae duces tecum Mrs. Cristina Corona without legal justification.”

Hindi lamang sa asawa ni Justice Corona kundi maging sa dalawang anak nito ay hindi pumayag ang impeachment court na mapadalhan ng subpina dahil sa kawalan ng merito.

Agad namang naghain ng motion for reconsideration ang prosekusyon sa pangunguna ng head panel na si Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr., ngunit agad itong ibinasura ni Senate President Juan Ponce-Enrile.

“The prosecution submits to the ruling of the Senate President,” pahayag ni Tupas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply