Pagpapatalsik kay Corona, suportado ng LCP

SUPORTADO ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang hakbangin ng gobyerno na isalang sa impeachment trial si Supreme Court Chief Justice Renato Corona na itinakda sa Lunes.

Nagkakaisang inihayag nina Alaminos City Pangasinan Mayor Hernani Braganza, Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn, Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian at Bais City Mayor Karen Villanueva na pawang miyembro ng LCP na kanilang sinusuportahan ang gagawing paglilitis kay Chief Justice Corona.

Anila malaki rin ang naging kasalanan sa kanila ni Corona dahil sa pabago-bago nitong pagdedesisyon sa mga petisyon at kasong inihahain sa Korte Suprema.

Inihalimbawa rito ni Braganza ang naging kaso na inihain ng LCP ukol sa inihaing city hood bills na maging siyudad ang 16 na bayan at munisipalidad kung saan nagdesisyon dito ng with finality ang Korte Suprema na unconstitutional ang conversion ng 16 municipalities na maging siyudad noong May 21, 2009.

Ngunit dahilan lamang sa secret letters na galing kay Atty. Estelito Mendoza, nabago aniya ang ihip ng hangin at nabaligtad ang nasabing desisyon sa pagdedeklarang Constitutionality ang nasabing conversion sa panibagong entry of judgment with finality rin noong July 2011.

Dahil dito, tahasang sinabi ng mga alkalde na malinaw na may iregularidad anila sa panunungkulan ni Chief Justice Corona at bilang punong mahistrado ay wala itong matibay na desisyon dahil sa halip na makatulong ay mas nalalagay sa alanganin ang kasong inihahain sa mataas na korte nito.

Malaki rin anila ang nawala sa kanilang kaban na umabot sa multi milyong halaga dahil sa pabago-bagong desisyon na inilalabas ng Korte Suprema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply