Pagpapatalsik kay Lagman nakaplano na

PINAPLANO na ni House Deputy Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez ang mga programang ipatutupad ng minorya sa Kamara sa nalalabi niyang termino na isa at kalahating taon bilang bagong Minority Leader kapalit ni Albay Rep/ Edcel Lagman.

Sa pagsasabing ito na ang pinaka-“twilight days” ng kanyang pagiging kongresista, nangako si Suarez na tutuparin niya ang pagsusulong ng mayorya ng 29 miyembro ng oposisyon na ipatupad ang kasunduan ukol sa term sharing nila ni Lagman.

Ayon sa kongresista, matagal na niyang inasam na maisakatuparan ang term-sharing agreement para sa nalalabi niyang 18 taon bilang kongresista.

“This is my political twilight and this is my last term. I have only one and a half years and I cannot run for Congress anymore and it will be defeating for me not to get the post (of Lagman). It is an honor and privilege to have a prestigious position like being a minority leader and that’s every politician’s dream to hold a sensitive position,” ayon kay Suarez.

Magkagayunman, tiniyak ni Suarez na hindi siya mang-aagaw ng posisyon kundi ang hinihiling niya ay ipatupad ang kasunduan na siyang isinusulong ngayon ng mayorya ng oposisyon.

Umaasa rin si Suarez na maitatama at mareresolba rin ang iringan na ito nang hindi na kailangan pang palalain sa media.

Bukas ay ipe-presenta ni Suarez ang isang manifesto na nilagdaan ng mga miyembro ng minorya na nagsasabing dapat nang lisanin ni Lagman ang kanyang pwesto at isalin kay Suarez batay sa kasunduan ng term-sharing.

Nitong nagdaang Biyernes lamang ay iniluklok ni Occidental Mindoro Rep. Ma. Amelita Villarosa si Suarez bilang bagong minority leader sa ilalim ng kasunduan ng term-sharing na ginawa sa isang tanghalian na dinaluhan ng may 19 na minorya sa tanggapan ni Lagman.

Subalit nagmamatigas aniya si Lagman na meron siyang sapat na bilang upang harangin ang tangkang pagbalasa sa minority bloc.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply