Pagpasok ng Bagong Taon, mapayapa!

IKINATUWA ng Malakanyang ang naging kahandaan ng mga government agency para maging mapayapa ang pagsalubong sa Bagong Taon, partikular na ang Department of Health (DoH).

Kasunod ng balitang bumaba ng 13 percent ang naitalang firecracker-related injuries ngayong taon, ipinagmalaki ni Communications Sec. Herminio Coloma, Jr. na ito ay bunga ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga ipinagbabawal na uri ng mga paputok.

Una rito, inihayag din ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi titigil ang kampanya ng gobyerno hanggang tuluyang maibaba ang bilang ng mga nabibiktima ng paputok.

Sa initial at official tally ang DoH, umaabot sa kabuuang 454 ang bilang ng mga firecracker-related injuries na naitala hanggang kaninang umaga.

Ito umano ay mas mababa ng 13 percent kung ikumpara sa rekord noong nakaraang taon na umaabot ng 546 cases.

Nangunguna naman ang National Capital Region sa mga lugar na may pinakamataas na insidente, kung saan umaabot sa 298 cases, sinusundan ng Region 4-A na may 29 na kaso at Region 1 o Ilocos na mayroong 28 na naitalang rekord.

Labis namang ikinabahala ni Health Sec. Enrique Ona na umabot ng 18 ang kaso ng mga tinamaan ng ligaw na bala.

Samantala, iniulat din ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mayroong 54 katao ang naaresto dahil sa pagtatago at pagbebenta ng mga iligal na paputok.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply