Pagpasok ng PPUR sa bagong 7 Wonders of Nature trending topic sa Twitter

TRENDING topic ngayon ng micro-blogging site na Twitter ang pormal na pagkahirang ng Puerto Princesa Underground River bilang isa sa pinakabagong 7 Wonders of Nature

Sa Twitter, nasa ika-walong trending topic worldwide ang “Puerto Princesa Underground River” at pumangalawa dito sa Pinas, habang ang “New7Wonders of Nature” ay pumang-lima sa bansa.

Walang patid ang kasiyahan ng mga Filipino at puro pagbati sa nakamit na tagumapay.

Maging ang Palasyo ay masaya at bumati rin sa tagumpay na ito ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda, tunay na nagka-isa ang mga Pinoy sa nasabing kampanya.

Aniya, ang pagkasama ng PPUR sa bagong 7 Wonders of Nature ay magandang bunga ng pagkakaisa ng mga Pinoy at pagiging aware sa kapaligiran at pagpapahayag ng pagmamahal sa sariling atin.

Nakatunggali ng PPUR ang mga ng pambato ng ibang mga bansa sa Asya, Latin America at Europa.

Kasama naman sa provisional New 7 Wonders of Nature ang Amazon, Halong Bay, Iguazu Falls, Jeju Island, Komodo at Table Mountain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply