Pagrarasyon ng gasolina ‘di mangyayari– DOE

HINDI mangyayari ang pagrarasyon ng mga produktong petrolyo, paglilinaw ngayon ni Energy Undersecretary Jay Layug.

Aniya, mangyayari lamang ito kapag nasa pinakamalubhang sitwasyon na ang bansa, kung tototohanin ng Iran ang bantang harangin o isara ang Strait of Hormuz.

Sa Strait of Hormuz dumaraan ang 80% ng suplay ng langis ng Pilipinas na nagmumula sa Gitnang Silangan.

Matatandaang nagbanta ang Iran na isasara ang Strait of Hormuz kung haharangin ang kanilang oil export bilang sanction ng Amerika sa harap ng nuclear program ng Tehran.

Ngunit nagsiguro na umano ang Department of Energy (DOE) kaya inatasan ang mga kumpanya ng langis na mag-imbak ng 30 araw na suplay para sa refinery at 15 araw para naman sa mga oil importer.

Nakipagtalastasan na rin umano ang DOE sa mga kalapit na bansa sa Asya na maaaring pagkunan ng langis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply