Pagrepaso sa kaso ni Gatdula, pinagbigyan

PINAGBIGYAN na ng Department of Justice ang pagrerepaso sa kasong kidnapping at extortion na inaakusa laban kay dating National Bureau of Investigation (NBI) Chief Magtanggol Gatdula.

Ayon kay Department of Justice Secretary Leila de Lima, layon nitong matukoy ang naging partisipasyon ni Gatdula sa pagdukot sa Japanese national na si Noriyo Ohara.

Sinabi ni De Lima na sa gagawing imbestigasyon ay hihingan ng panig si Gatdula, pero kahit magkaroon ng reinvestigation sa kaso ay Malabo nang makabalik pa sa puwesto si Gatdula dahil na rin sa mismong si Pangulong Benigno Aquino ang nagdesisyon na sibakin ito

Inamin din ni De Lima na may shortlist na siya ng mga pagpipilian na maging bagong NBI director kapalit nito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply