Pagsabog lumikha ng tensyon sa Makati

GINULANTANG ng isang malakas na pagsabog ang lungsod ng Makati makaraang sumambulat ang isang Improvised Explosive Devise (IED) ngayong hapon.

Sa kaganapan, isang kotse ang nabasag ang salamin dulot ng malakas na impact sa kalapit na lugar na pinagsabugan dakong 2:00 ng hapon sa Dela Costa St., Barangay San Lorenzo ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Chief Supt. Jaime Santos, Hepe ng Makati City Police, nagpapatrulya ang kanyang mga tauhan sa naturang lugar nang biglang marinig na malakas na pagsabog sa isang bakanteng lote.

Wala naman umanong nasaktan o nasugatan sa pagsabog, maliban sa isang kulay pulang kotse na nakaparada sa bakanteng lote.

Sa kasalukuyan inaalam pa ng awtoridad kung anong uri ng pampasabog ang ginamit makaraang makakuha ng mga fragments sa lugar ng pinangyarihan.

Inaalam na rin ng awtoridad kung anong grupo ang may kagagawan ng pagsabog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply