Pagsampa ng technical malversation vs GMA suportado ng Malakanyang

SUPORTADO ng Malakanyang ang naging rekomendasyon ng Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong technical malversation si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa maling paggamit ng pondo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

“When you say technical malversation, it is the use of funds appropriated for one purpose and which was used, diverted to another—I’m not clear. This is with respect to OWWA funds eh,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Ipinaubaya naman ng Malakanyang sa DOJ ang pag-a-assess kung pareho lamang ang reklamong inihain ni dating solicitor general Frank Chavez na plunder laban sa dating lider.

“We will rely on the assessment of the Department of Justice, the prosecutors who are reviewing the case. It would not do us any good if we file a case which will not merit us a conviction. We would rather have a case that would secure us a conviction based on the evidences submitted and based on the review of the Department of Justice,” anito.

Sinabi rin ni Lacierda na batay sa assessment ng DOJ, malinaw na may original case ng plunder laban sa dating lider at hiwalay naman ito sa technical malversation na inirekomendang isampa pa rin laban kay Ginang Arroyo.


About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply