Pagsasabatas ng K+12 isinusulong ng DepEd

ISINUSULONG ng Department of Education (DepEd) ang pagsasabatas sa K+12 program ng ahensya upang diretso itong maipatupad kahit na matapos pa ang termino ng administrasyong Aquino.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, may bersyon na ng nasabing programa ang Kamara at Senado kaya  umaasa siya na maisasabatas ito ngayong taon.

Nilinaw rin ng Kalihim, na ang mga fourth year high school na magtatapos sa Marso 2016 ang unang tatamaan ng K+12 program at hindi pa ang mga magtatapos ng high school sa taong ito.

Sa ilalim ng programa, magki-kinder hanggang grade 6 pa rin ang mga estudyante at pagtuntong nila sa first year high school, ito ay tatawagin na grade 7 at hanggang grade 10 na junior high school.

Pag nakumpleto ang junior high school, may opsyon ang mga estudyante na magtrabaho na o kaya naman ay kung nais ay ituloy ang dalawa pang taon para sa senior high school na sisimulan sa Hunyo 2016 at pagkatapos ay kukuha ng kurso ang mga gustong magkolehiyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply