Pagsasapubliko ng SALN ng mga mahistrado iginiit

IGINIIT ng prosecution panel na tuluyan ng ibasura ang circular order ng Korte Suprema na nagsasaad na hindi maaaring ilabas sa publiko ang statement of assets and liabilities and networth (SALN) ng mga mahistrado nito.

Ginawa ni Aurora Rep. Sonny Angara ang panawagan matapos mabunyag at ilahad ng unang testigo na humarap sa impeachment court na may kautusan na nilagdaan noon pang panahon ni dating Supreme Court Chief Justice Marcelo Fernan na nagbabawal sa pagsasapubliko sa SALN ng mga mahistrado.

Nauna rito sa pagdinig kahapon (Enero 18) ay binasa ng testigong si Supreme Court clerk of court Enriquetta Esguerra-Vidal ang nabanggit na kautusan na hanggang ngayon ay ipinatutupad ng mga mahistrado sa SC.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit hindi nailalabas ang SALN ni Chief Justice Renato Corona kahit kaliwa’t kanan ang kahilingan hangga’t hindi aniya ito napagpapasyahan ng buong korte.

Paliwanag ni Angara, ito ay paglabag sa kontitusyon dahil wala ng mas makatataas sa saligang batas ng bansa.
Malinaw din na ito ay paglabag sa RA 6713 kung saan ang SALN ay isang public document na dapat ihayag sa publiko.
Wala din aniyang dahilan na ipanatili pa ang circular dahil hindi kailanman ito makahihigit sa konstitusyon.

Ayon naman kay Marikina Rep. Miro Quimbo, tagapagsalita ng prosekusyon, higit nilang ipinagpapasalamat ang pagpupumilit ng mga senator-judges na maisapubliko ang SALN ni Corona na siyang nilalaman ng Article 2 ng Article of Impeachment.

“We are elated that the Senate has actually allowed the disclosure or the bringing out of the SALN of the Chief Justice from the year 2002 up to 2010 despite of repetitive objection which lasted for almost two hours on the part of the defense. Nagbibigay-pugay kami sa Senado at ang mga kasama namin sa paniniwala na mas importante ang katotohanan,” ani Quimbo.

Muli ay nanindigan si Quimbo na marami pa silang palulutanging ari-arian ni Corona na hindi masusuportahan ng inilabas na SALN nito. Meliza Maluntag

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply