Pagsibak kay Gatdula prerogative ni PNoy

WALA sa rekomendasyon ang pagpapatalsik sa puwesto kay dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula.

Ito ang nilinaw ngayon ng Department of Justice (DOJ) fact-finding committee kaugnay sa pagkakatanggal kay Gatdula bilang direktor ng ahensya.

Ayon sa DOJ panel, dumaan sa proseso ang kanilang imbestagasyon at batay na rin sa napakaraming testimonya.

Sinabi ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III na pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal lamang ang nakasaad sa kanilang rekomendasyon laban kay Gatdula at iba pang opisyal ng ahensya.

Prerogative na umano ng Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang pagtanggal kay Gatdula at naging moot and academic na ang administrative charges.

Gayunman, iginiit naman ni Baraan na malalaman pa lamang sa preliminary investigation kung may probable cause ang kasong kriminal laban sa dating NBI director at iba pang sangkot na opisyal.

Kaugnay nito, una na ring inihayag ni Gatdula na kanyang lilinisin ang matagal na niyang iningatang pangalan at lalaban ito sa legal na paraan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply