Pagsusumite ng kopya ng SALN ayos kay Corona

HINDI umano tutol si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa pagsusumite ni Clerk of Court Enriqueta Esguerra-Vidal sa Impeachment Court ng kopya ng kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Ayon kay Atty. Salvador Tranquil, matagal nang nagbigay ng “waiver” si Corona para imbestigahan ang kanyang mga ari-arian.

Gayunman, ipinaliwanag ng defense lawyer na mayroong panuntunan ang Supreme Court hinggil sa pagsasapubliko ng kopya ng nasabing dokumento.

Bago ito, tumanggi si Vidal na ibigay ang kopya ng SALN dahil sa umiiral na patakaran sa SC ukol sa paglalabas ng nabanggit na dokumento.

Walang nagawa si Vidal nang igiit ng Impeachment Court na dapat niyang isurender ang mga dokumento dahil ito ay hindi request kundi isang utos.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply