Pagtanggap sa ebidensiya vs Corona pagbobotohan na

NAKATAKDANG resolbahan ngayon ng Impeachment Court kung tatanggapin ang ebidensiyang inilatag ng House prosecution panel laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona upang tuluyan nang umusad ang paglilitis sa punong mahistrado.

Sa panayam pagkatapos ng all-senators’ caucus na ipinatawag ni Senate President Juan Ponce Enrile, sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV na nakatakdang resolbahan ngayon ng Impeachment Court ang mosyon ng magkabilang panig hinggil sa pagtanggap ng ebidensiya.

“We will decide first on the motions filed by both the prosecution and the defense team whether to accept the evidences presented to the Impeachment Court,” ayon kay Trillanes.

Sinabi ni Trillanes, na magkakaroon ng oral argument ngayon ang Impeachment Court kung tatanggapin ba o hindi ang mga dokumentong isinumite ng Register of Deeds ng ilang lungsod hinggil sa sinasabing Transfer Certificate of Title ng mga condominium units at iba pang ari-arian ni Corona.

“We will tackle the documentary evidences presented in the impeachment such as the Deed of Absolute Sale, the Transfer Certificate of Titles, including other documents submitted to the Impeachment Court,” aniya.

Ayon pa kay Trillanes, kundi mareresolbahan ng Impeachment Court ang naturang mosyon, walang gagalaw ngayon sa paglilitis.

“Nothing moves, until it is resolve,” wika ng senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply