Pagtatanong ng private prosec kinuwestyon ni Koko

PINAGPAPALIWANAG ni Sen. Koko Pimentel si private prosecutor Joseph Perez ukol sa kanyang paraan ng pagtatanong sa testigo na si Giovanni Ng, ang finance director ng Megaworld Corporation.

Sinabi ni Pimentel na hindi maintindihan ang tinatatahak o direksyon ng mga tanong ng prosecutor sa testigo, tulad ng pag-uusisa nito sa presyo ng bahay, bilang ng mga silid at iba pang maliit na detalye sa ari-arian ni Chief Justice Renato Corona.

Mapapansin din na ilang ulit na hinarang ng lead defense counsel na si dating Justice Serafin Cuevas ang mga tanong ni Perez dahil wala aniyang kaugnayan ang mga tanong sa lehitimong usapin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply