Pagtestigo ng BIR commissioner muling binara ng depensa

MULING hinarang ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona ang pagtestigo ni Bureau of Internal and Revenue Commissioner Kim Jacinto-Henares.

Ito aykahit na pinayagan na ng Senate Impeachment Court ang hiling ng prosekusyon na maiharap ang kanilang testigo.

Nang tawagin si Henares bilang unang testigo sa ika-anim na araw ng pagdinig ay agad itong binara ng lead defense lawyer na si dating justice secretary Serafin Cuevas.

Tinanong din ni senator-judge Miriam Defensor-Santiago si Rep. Niel Tupas Jr.,  kung ano ang intensyon ng kanilang panig sa pagpapaharap kay Henares ngunit muli ay hindi nagustuhan ng senadora ang sagot ng kongresista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply