Pagtestigo ng personnel officer ng OP vs Corona may go signal ni PNoy

MAY go signal ng Malakanyang ang pagtestigo ng isang personnel officer ng Office of the President na magsisiwalat sa tunay na nilalaman ng statement of assets and liabilities and net worth ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na normal lang na may taga-OP na magsiwalat ng SALN ni Corona lalo pa’t nagtrabaho ito bilang Presidential Chief of Staff ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kabilang dako, may matataas na opisyal ng Bureau of Internal Revenue, kabilang ang may hawak ng personnel records sa Malacañang, Office of the Vice President at Supreme Court ang unang set ng mga testigo na ihaharap ng prosecution panel sa impeachment proceedings laban kay Corona.

Sa ulat, sa pamamagitan ni prosecution team head Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr., hiniling din ng prosekusyon sa impeachment court na i-subpoena ang pinuno ng state-owned John Hay Management Corp. at anim na iba pang pribadong indibidwal na konektado sa property development para sa gaganaping pagdinig sa araw ng Miyerkules at Huwebes.

Partikular na ipinatawag ng prosekusyon sa impeachment tribunal si BIR Commissioner Kim Jacinto Henares, personnel officers sa Office of the President at Office of the Vice President at Supreme Court Clerk of Court Atty. Enriqueta Esguerra-Vidal para sa pagdinig kahapon.

Ipinatawag ang nabanggit na indibidwal upang tumestigo sa mga dokumentong magpapatunay na si Corona ay nagkamal ng mga hindi maipaliwanag na kayamanan mula nang pumasok sa gobyerno noong 1992 bilang assistant executive secretary sa panahon ni dating President Fidel Ramos hanggang sa appointment nito bilang chief justice ni dating Pangulong Arroyo.

Hangad ng prosekusyon na ipag-utos ng korte kay Henares na iprisinta ang original at certified true copies ng income tax returns at iba pang tax records ni Corona at misis nitong si Cristina mula 1992 hanggang 2010.

Ang personnel officers ng Palasyo at OVP ay hiniling na dalhin ang original at certified true copies ng SALN ni Corona mula 1992 hanggang 2002 nang itinalaga siya bilang SC associate justice.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply