Pagtugon sa terorismo mahirap pero kaya

ISANG matagumpay na selebrasyon ang kagaganap lamang na pista ng Mahal na Poong Itim na Nazareno.

Masasabi natin ito dahil isa daw ito sa pinakamatagal at mahaba na prusisyong naganap at wala ring malawakang sakuna na nangyari bagamat napakarami ng mga taong dumalo.

Sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng Sandatahang Lakas, ng Kapulisan, mga ahensya ng pamahalaan at mga concerned group na abot-kamay na tumulong upang masigurado ang seguridad at kapakanan ng mga deboto sa Itim na Nazareno, hindi nanaig ang banta ng terorismo na inaasahang maghahasik ng lagim sa gitna ng selebrasyon.

Subalit magpasahanggang ngayon ay patuloy pa rin ang iniwang banta ng terorismo na maaari pa ring sumalakay anomang oras ayon sa mga awtoridad.

Kung tutuusin, kung ikaw man ang terorista, hindi ka susuong sa isang lugar kung saan ikaw ay inaabangan di ba?

Dulot nito patuloy pa rin ang banta kasunod ng pagdaraos ng selebrasyon.

Ating analisahin kung paano at saan nagmula ang bantang ito.

Ayon sa mga awtoridad, buhat pa raw sa Mindanao ang mga hinihinalang mga teroristang ito.

Ibig sabihin, mas malamang na nakarating ang mga ito lulan ng mga sasakyang dagat.

Makikita rito ngayon na tila lumilitaw na naman ang kahalagahan ng seguridad pandagat o maritime security sa loob mismo ng ating bansa.

At may karagdagan pang mga tanong – paano maiiwasan at kailan magwawakas ang ganitong uri ng banta?

Pwes, kung ako ang tatanungin, sa lawak ng ating karagatan at baybaying dagat, tunay na napakahalaga ang pwersang pandagat na walang humpay na gagalugad sa ating mga karagatang hanap ang mga teroristang ito at iba pang masasamang loob.

Pero tila imposible yata na bawat sulok ng ating karagatan ay malalagyan ng pwersa ng Hukbong Dagat upang masigurado ang ating seguridad laban sa terorismo.

Dito ngayon, mga kapatid kong anak ng dagat, papasok ang Bayanihan o yung buong-bansang pamamaraan na sa Ingles ay “whole of nation approach” upang sama-sama ang sambayanang Filipino sa pagmamatyag sa ating karagatan di lamang laban sa panloob na banta kundi maging sa panlabas.

Nasisiguro kong mas epektibo at mas praktikal ang ganitong paraan, di ba?

Siyempre pa, sa walang humpay na tulong at suporta ninyo sa inyong Philippine Navy, kakayanin natin to!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply