Painters tatabla sa Tigers

SISIKAPIN ng Powerade Tigers na itabla ang 7-game semifinals kontra Rain Or Shine Elasto Painters sa salpukan nila ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Unang tinalo ng Painters ang Tigers sa pagsisimula ng serye noong Miyerkoles ng gabi sa score na 114-79 sa Cuneta Astrodome.

Nairehistro naman ng Tropang Texters ang unang panalo laban sa Petron Blaze Boosters 87-83 sa sarili nilang best-of-7 showdown sa Cuneta Astrodome Huwebes ng gabi.

Sina Texters Larry Fonacier at Kelly Williams ang nagpanalo sa ibinanat nilang 22 at 14 puntos ayon sa pagkakasunud-sunod habang nangapa sina Beermen Alex Cabagnot at Arwind Santos sa unang 24 minutos ng sagupaan.

Sa kabila ng pagkatalo nakuha pa rin ni Santos ang kanyang ika-13 double-double performance sa liga na 20 rebounds at 10 points.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply