Pakpak ni Kim Chiu muling bumubuka

KAY tagal na ng drama ni Kim Chui na nabalian siya ng pakpak nang umasim ang kanilang relasyon ni Gerald Anderson. Kumbaga, she hasn’t move on ever since pero ngayong mukhang may mangyayari na sa kanila ni Xian Lim, ayan at muli na namang bumubuka ang mga pakpak niya. Kumbaga, sa tulong ni Xian, nakalilipad nang muli si Kim Chiu.

Si Xian ang naging pakpak niya na sa halip na ligawan agad ang bida ng My Binondo Girl, inaalalayan muna niya ito.

Nasabi ito ni Xian nang malamang parang nabalian ng isang pakpak si Kim magmula nu’ng mag-break sila ni Gerard Anderson.

“In time, she can fly again but still I will be there for her forever,” sabi pa nito.

Malaking pressure kay Xian ang paulit-ulit na intrigang baka nakikisakay lang daw siya sa popularidad ng dalaga sakaling tuluyan nga niyang ligawan ito.

Kaya lang, noong Huwebes at Biyernes episode ng MBG, hindi maitatago sa “kissing at bed scenes” nila ang kanilang tunay na nararamdaman. Bigay na bigay si Kim at alalay na alalay naman si Xian. Parang ayaw ni Xian na masabing sinasamantala niya ang pagkakataon. Pero kilig na kilig ang mga manonood at nag-trending talaga ito sa Internet.

Pigilan man ni Xian ang kanyang sarili, hindi maikakailang mahal na niya ang leading lady. Meanwhile, dalawang Linggo na lang at matatapos na ang MBG. Mauudlot ang kilig na napanonood sa TV at mabibitin ang lahat ng masugid na sumusubaybay sa serye.

Kailangan sigurong sundan agad ang project nilang ito para ma-sustain ang init ng kanilang pagmamahalan.

***

Vice Ganda tinanggihan sa GMA-7

INSULTO ba yung pagtanggi ng GMA-7 na i-guest si Vice Ganda?

Kung kami ang tatanungin, hindi.

Nakiusap kami sa isang radio broadcaster ng DZBB kung puwedeng papuntahin ang mga taga-Fontana Leisure Parks para i-plug ang Party… Party with Vice Ganda concert nila, pero tumanggi sila. Kesyo, hindi raw puwede si Vice Ganda dahil obviously nga naman, prime talent ito ng ABS-CBN na kalaban nilang network. Siyempre, we can easily understand yung alibi, pero ngayong super hit ang naturang concert, yes dami ng taong nanood, ay naisip naming kawalan yun ng GMA-7. Imagine, Vice Ganda, pinalampas nila?

Sa ngayon, premier artist si Vice at karangalan nino mang magkaroon ng connect sa kanya. Pero kung sadyang inayawan dahil sa insecurity, okey lang, sila ang nawalan ng kinang at hindi si Vice Ganda.

They will never have a single talent na puwedeng pumantay sa kanya. Sa ngayon, lahat ng talent nila ay starlet kapag ikinumpara sa number one talent ng ABS-CBN.

Lest we  forget, kung tumanggi ang GMA-7, open heart namang nagbukas ng pintuan ang iba pang radio shows sa iba’t ibang radio networks in Pampanga and in the mainstream. Unang bumisita’ng Fontana staff sa GV FM and AM sa Angeles City where we also maintain a radio show as the Boy Abunda of Pampanga (thank you to Congressman Tarzan Lazatin for this very wonderful and catchy monicker). Thank you, Mr. Deo Sambilay and Mr. Arnel Panganiban for giving precious time to the Fontana staff.

Also to DZMM, through the MISMO show of Jobert Sucaldito and Ahwell Paz who took time to share sa plug ng concert ni Vice Ganda, talagang iba ang pakikipagkaibigan ng mga friends naming ito. Also to Fernan de Guzman aka Ms. F, dahil sa oras na ibinigay niya para matalakay sa programa niyang Wow, Ang Showbiz sa DWIZ.

Welcome po kayo sa Fontana anytime you wish to relax. Welcome din naman ang mga taga-GMA-7 para maipakita namana naming sa Fontana, hindi nagdaramot ang mga tao rito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply