PAL flight maaabala sa pagkumpuni ng runway sa NAIA

NANAWAGAN ngayon ang pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) sa publiko na maging mapagpasensya sa idudulot na abala dahil sa pagkukumpuni sa runway 06-24 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa loob ng pitong buwan.

Ang idudulot na perwisyo ay kaugnay sa gagawing repair mula alas-12:30 ng hatinggabi hanggang alas-5:30 simula sa Agosto.

Isang domestic at 12 international flights ng PAL ang inaasahang maapektuhan sa pagkukumpuni ng runway.

Pinayuhan ng PAL ang publiko na tumawag sa kanilang reservation hotline 855-8888 o bumisita sa kanilang website na www.philippineairlines.com para sa kumpletong impormasyon.  Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply