PAL ginatasan ni CJ Corona – House panel

LANTARAN ang ginawang panggagatas ni Chief Justice Renato Corona sa Philippine Airlines (PAL) habang nabimbin ang kaso nito sa Supreme Court sa pamamagitan ng special privilege na ibinigay sa punong mahistrado at misis na si Cristina.

Sinabi ni Iloilo Rep. Neil Tupas, lead prosecutor ng House panel na nakatakdang ilantad sa Impeachment Court ang testigo at ilang dokumento partikular ang travel records ng mag-asawang Corona upang patunayan ang alegasyon sa Article III na ginamit nito ang posisyon para sa pansariling interes.

Nakatakda sa Article III ng Verified Complaint na inaakusahan si Corona ng “ culpable violation of the Constitution and betrayal of public trust for his “failure to meet and observe the stringent standards of the Constitution that a member of the judiciary must be a person of proven competence, integrity, probity and independence in allowing the Supreme Court to act on mere letters filed by a counsel which caused the issuance of flip-flopping decisions in final and executory cases.”

Tinukoy ni Tupas ang huling resolusyon ng Supreme Court na binabawi ang naunang pinal na desisyon nito hinggil sa illegal retrenchment case na isinampa ng Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP) laban sa PAL na nakapagdesisyon dulot ng isang liham lamang ng abogado ng PAL na si Atty.  Estelito Mendoza.

Sinabi ng prosecution na ihaharap nila ang limang testigo na may kaugnayan sa PAL case na kabilang ang kinatawan ng Bureau of Immigration (BI), PAL, Supreme Court, Prestige Travel Agency, at Securities and Exchange Commission (SEC).

Anila, ilalantad at tetistigo ang kinatawan ng BI sa travel records ng mag-asawang Corona upang maipakia na tumanggap sila ng special privileges mula sa PAL management habang nakabinbin ang kaso ng PAL sa Supreme Court.

Patutunayan naman ng kinatawan ng PAL ang panahon ng pagbiyahe ng mag-asawang Corona sa pamamagitan ng PAL kabilang ang kinauupuan nito sa loob ng eroplano.

Ipatatawag din ng prosecution ang isang empleyado ng Supreme Court na humawak ng official travels ng mahistrado upang tumestigo sa pagbiyahe ng punong mahistrado sa pamamagitan ng PAL at kung anong uri ng tiket na binili.

Ipatatawag din ng impeachment court  ang kinatawan ng Prestige Travel Agency na alinsunod sa records ng Securities and Exchange Commissioin, pag-aari ito ng pamilya ni Mendoza, abogado ng PAL.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply