PAL statement itinanggi ng prosekusyon

PINABULAANAN ng prosekusyon na naglabas o nagpahayag sila ng merito patungkol sa pribilehiyong natanggap ng mag-asawang Corona sa Philippine Airlines Lines (PAL) sa kasagsagan ng kaso.

Ipinaliwanag ni Marikina Rep. Miro Quimbo, tagapagsalita ng prosekusyon na ang inilabas na pahayag ay pagsunod lamang sa testigong ipapatawag at kung anong papel at nalalaman nila para tumestigo laban kay CJ Renato Corona.

Itinanggi rin ni Iloilo Rep. at lead prosecutor Niel Tupas Jr. na sa kanya nagmula ang ipinalabas na statement.

Nakasaad sa nasabing statement ni Tupas na maghaharap sila ng saksi at dokumento hinggil dito bilang dagdag merito sa Article 3 ng mga alegasyon na kumukwestyon sa integridad at pag-aakusa ng culpable violation of betrayal of public trust.

Kasabay nito ay kinumpirma ni Quimbo na isang financial fraud expert ang ihaharap ng prosekusyon anumang araw sa impeachment court.

Sinabi pa ng mga tagapagsalita ng prosekusyon na sina Erin Tañada at Sonny Angara, mahalaga ang certified fraud examiner na ihaharap nila upang maipakita ang napakaraming ari-arian na itinatago ng mag-asawang Corona ng napakahabang panahon na bigla na lamang idineklra noong Abril 2011.

Nakatakda ring patunayan ng nasabing eksperto kung ano ang basehan ng undeclared value na mas mababa pa ng mahigit sa 50 porsiyento gayundin ang iba’t iba pang pag-distinguish sa cash on hand, kung paano lumaki at kung paano niya nabayaran ng P11 milyon sa loob ng anim na taon nang walang source of income.

Paliwanag pa ng mga mambabatas, tatahiin ng isang financial fraud expert ang SALN at Income Tax Return (IRT) ng mag-asawang Corona upang maimbestigahan kung ano ang mga butas o kasinungalingan sa dokumento.

Ang isang certified financial fraud expert ay ginagamit din sa mga bangko para sa transactions ng mga branch o kaya ay kapag may mga kontratang hindi tama kung saan tinitingnan nila yung mga pamamaraan at hanapin ang mga katiwalian dito.

Tiwala naman ang prosekusyon na tatanggapin ng impeachment court ang naturang testigo dahil malinaw sa nakasaad sa  rules of court na ang isang expert ay pwede lang magbigay ng kanyang opinion.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply