Palasyo: ‘Di namin kasalanan na mabasura ang Marcos case

UMALMA ngayon ang Malacañang sa paninisi ng ilang sektor sa administrasyong Aquino sa pagkakabasura ng P50-billion ill-gotten wealth case laban sa mga Marcos.

Sinabi ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, magdadalawang taon pa lamang sa Palasyo si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, habang 24 na taon nang dinidinig ang nasabing kaso.

Ayon kay Valte, hindi sila ang nagkulang dahil hindi naman sila ang nagharap ng mga ebidensiya at matagal na itong dedesisyunan.

Inihayag ni Valte na marami ang nangyari sa nakaraan at mahirap nang maisaayos anuman ang pagkakaso sa reklamo.

Gayunman, bahala na umano ang Office of the Solicitor General (OSG) kung may balak silang umapela sa Sandiganbayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply