Palasyo pinadidistansiya sa impeachment

PINAYUHAN ni Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez ang Malacanang na dumistansiya sa pagdinig na isinasagawa sa Senado sa impeachment trial laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Gutierrez, dapat na lamang hayaan ng administrasyong Aquino na magpatuloy ang impeachment proceedings.

Payo pa nito sa pamahalaan, sa halip na pakialaman ang kaso ni Corona ay mas makabubuting ang tutukan na lamang nito ng pansin ay ang pagtulong sa mga biktima ni “Sendong,” problema sa kapaligiran, kahirapan, pagpapatupad sa reporma sa lupa at pamimigay ng lupa sa mga farmer beneficiaries.

Kaugnay nito, hinimok rin ng Obispo ang lahat ng mamamayan, maging mga prosecutor, mga senador at depensa na magdasal na ang impeachment proceedings ay maging orderly, objective at charitable para sa kapakinabangan ng lahat.

Pinayuhan din ng Obispo ang defense at prosecution panel na mag-research, magpakita ng mga ebidensiya, magprisinta ng mga facts at huwag lamang ibase ang lahat sa alegasyon o haka-haka. Kyle Gatus

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply