Palasyo tikom sa pakikipag-date ni PNoy

TIKOM ang bibig ng mga taga-Malakanyang ukol sa balitang nakikipag-date si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa TV personality na si Grace Lee.

Ang isyu ay unang pumutok sa microblogging site na Twitter dahil sa isang tweet ni DJ Mo Twister na ngayon ay nasa Estados Unidos.

Batay sa tweet ni Mo: “we are talking about Grace Lee’s date last night with President Aquino. #itsmorefuninthephilippines.”

Ayon naman sa tweet ng isang Adrian Abella bilang sagot sa tweet ni Mo Twister, nakasaad na: “just asked Grace Lee if it’s true that she had dinner with President Aquino. She said she did.”

Tumanggi namang magkomento si Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa naturang isyu.

Nabatid na unang nagkita sina Pangulong Aquino at Lee sa inagurasyon ng Korea Electric Power Corp. power plant sa Cebu kung saan nag-host ang huli.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply