Palasyo tiwala kay Enrile

TIWALA ang Malakanyang na patas at walang kinikilingan si Senate President Juan Ponce Enrile bilang presiding judge ng Impeachment Court kaugnay sa kaso laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ang pahayag ay matapos na hilingin ng prosekusyon na luwagan ng Impeachment Court ang ipinaiiral na rules sa pagpipisenta ng mga ebidensya, at sa pahayag ni Enrile na handa siyang magbitiw bilang presiding judge kung sa tingin ng senator-judges ay hindi siya karapat-dapat sa naturang pwesto.

Sinabi ni Presidential spokesperson Edwin Lacierda, na kumpiyansa sila na patas si Enrile at wala silang pagdududa sa kakayahan nito.

Samantala, ani Lacierda, nananatili ang kanilang suporta sa panig ng prosekusyon at sinabi na nasa tamang landas ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply