Palasyo: ‘Wala kaming magagawa sa oil price hike’

INAMIN ngayon ng Malacañang na wala talagang magagawa ang pamahalaan upang mapigil ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Muling nagpatupad ng oil proce increase ang Petron, Chevron, Flying V, Total at Shell Pilipinas.

Kaninang alas-6:00 ng umaga 50 sentimos ang idinagdag sa bawat litro ng premium gasoline, 70 sentimos naman sa bawat litro ng regular gasoline at 90 sentimos sa bawat litro ng diesel, ang mga nabanggit na oil company.

Ito na ang ika-apat na pagkakataon na nagpatupad ng oil price hike ang ilang kompanya ng langis ngayong Enero.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, wala silang magagawa kundi igalang ang market forces na siyang nagdidikta sa presyuhan ng langis.

Sinabi ni Lacierda, na hindi kontrolado ng Palasyo ang galaw ng international market, at idagdag pa aniya ang umiiral na Oil Deregulation Law.

Iginiit rin ni Lacierda na hindi nagpapabaya ang pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng oil price hike sa mamamayan.

Kabilang umano dito ang ikalawang batch ng Pantawid Pasada Program sa transport sector partikular sa mga pampasaherong dyipni.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply