Palpak umanong retoke ng nota ng Calayan kakalkalin sa Bottomline

TIYAK na muling pag-uusapan ang pagdemanda ng isang naging pasyente ng Calayan Surgicenter dahil umano sa maling pagretoke ng nota nito. Ang nangyari, pagkatapos ng operasyon ay nangamatis umano ang kargada noong pasyente kaya kaabang-abang ang magiging paliwanag ni Dr. Manny Calayan sa programa ni Boy Abunda na Bottomline ng ABS-CBN.

Ito ang tiniyak ng King of Talk Show na sa pagbabalik ng celebrity surgeon mula sa USA ay isasalang na ito sa nasabing award-winning show. Maliban sa penile enhancement ay tiyak na kakalkalin din ang nagsarang klinik umano ng Calayan sa Los Angeles na nalathala sa ilang diaryo sa America. Isa pang tiyak na pag-uusapan ay ang pagkakaroon ng karamdaman ni Dra. Pie Calayan.

“Yes, totoo ang balitang nasa front page ng isa sa mga diaryo sa America but I think Dr. Calayan has decided to talk about it when he comes back para isahan na lamang,” paliwanag ng TV host.

Matipid na kompirmasyon naman ang ibinigay ni Doc Manny tungkol sa napabalitang nasara nilang klinik na ayon sa kanya, ibang klinik ang tinutukoy. Ayaw lang nitong magbigay ng ibang detalye dahil naghain na sila ng demanda laban sa taong nanloko sa kanila. ‘Ika nga, kailangan muna niya itong ikonsulta sa kanilang abogado kung hanggang saan ang puwede niyang isiwalat.

Naganap ang interbyu kay Boy sa muling pagpirma nito ng kontrata sa Calayan Surgicenter noong January 24 sa Fely’s J sa Greenbelt, Makati City. Aniya, hindi renewal of contract ang naganap kundi renewal of friendship, renewal of pledge of support. Kaya naman, gaya ng nakagawian, hindi nag-shake hands ang dalawa pagkatapos ng pirmahan kundi isang mainit na yakap ang iginawad ng dalawa sa isa’t isa.

Inamin nitong sobra ang kanyang katuwaan nang sumali siya sa proyekto ng ABS-CBN na Sagip-Kapamilya dahil agad nagresponde ang Calayan ng kanilang suporta.

Pati na rin ‘yung paglagay ni Doc Manny ng dalawang billboard sa EDSA. Ang isa ay nasa Guadalupe at nasa parteng Cubao naman ang isa na bumabati sa pagkakapanalo ng Bottomline bilang Best Talk Show sa Asian Television Awards. Kaya naman ang tanging naiisip nito para matapatan ang kusang-loob na suporta ng Calayan ay mag-pledge ng support.

“I am pledging my support to everything that he got and this is not to say that Calayan Surgicenter is one of the best. I am very happy with the services,” pahayag ni Boy.

Agad naman sinalo ni Doc Manny ang tinuran ng TV host sa pagsabing itinuturing nilang isang kayaman si Boy at hinding-hindi nila ito pakakawalan dahil siya ang pinaka-loyal at totoong kaibigan.

Aniya, “He’s always been there for the past years. This is more than a renewal of contract, it’s a renewal of friendship for more than six years.”

Ayon naman kay Boy, sa ngayon ang tanging magagawa nito ay ipinagdadasal na pagtibayin pa ang kanilang nabuong pagkakaibigan.
“But to publicly promise anything would not be wise dahil hindi natin alam kung ano ang magaganap,” pagpapatuloy nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply