Palparan kinakanlong ng militar – DILG

PANIWALA ni Interior Sec. Jesse Robredo na itinatago ng mga dating kasamahan sa militar si dating M/Gen. Jovito Palparan kaugnay sa kinakaharap nitong kasong kidnapping at serious illegal detention.

Ayon kay Robredo, may mga sumusuportang dating kasamahan kay Palparan batay sa reports na kanilang natatanggap higit sa tatlong araw ng nakalipas nilang monitoring.

Sa kabila nito, aminado ang kalihim na maraming nagbibigay ng impormasyon sa kanila hinggil sa pinagtataguan ni Palparan ngunit kapwa naging negatibo ang mga ito.

Kaugnay nito, naniniwala si Robredo na ang pagtatago ng kontrobersyal na heneral ay maituturing na “admission of guilt.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply