Palparan nagtatago raw sa Aurora

NAGTATAGO umano retired Major General Jovito Palparan sa probinsya na sakop ng isang maimpluwensyang politiko na kanyang sanggang-dikit noon siya ay nasa serbsiyo pa.

May lumabas na mga espikulasyon na ang dating heneral na may patong sa ulo ng P1 milyong piso ay kinukupkop sa isang beach resort na pag-aari ng isang kilala at matikas na politiko.

Ayon sa impormasyon, dati kasing binibisita ni Palparan ang Aurora nang ito ay commanding general sa Fort Magsaysay Military Reservation sa Nueva Ecija at nakikita itong kaututang-dila ang naturang politiko.

Dahil dito, tinangkang tawagan ang namumuno ng 7th Infantry Division chief Brig. Gen. Jose Mabanta Jr. para kumpirmahin ang ulat pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ito makontak.

Gayunman, pinabulaanan naman agad ng isa sa tauhan ni Mabanta na si  702nd Infantry Brigade commander Col. Felicito Trinidad ang naturang impormasyson.

“It might be disinformation, but we will verify it. If he is really in Aurora then we will search for him,” pahayag nito.

Sinabi ni Trinidad na ang binuong task force ang tumututok sa pagtugis kay Palparan pero puwede naman ang kanyang brigada ang tumulong din para hanapin ang puganteng heneral.

Nauna nang inanunsyo ng isang intelligence reports na si  Palparan ay nagtatago sa poultry farms sa bayan ng Bongabon at Gen. Tinio sa Nueva Ecija.

Ipinatawag na rin ang isang grupo ng magsasaka sa rehiyon ang kanilang miyembro para tumulong sa paghahanap kay Palparan na wanted sa padukot sa dalawang estudyante ng University of the Philippines noong 2006.

Hinihinala rin na ang mga tauhan ni Palparan na pinamumunuan ni dating 48th Infantry Battalion Col. Joselito Kakilala ang nasa likod ng paghdukot sa aktibistang si Joey Estriber sa kanyang lugar noong Marso 3, 2006.

Si Estriber ay nananatili pa ring nawawala hanggang sa kasalukuyan.

Nagsimulang magtago sa batas si Palparan nang hindi ito pahintulatan ng Bureau of Immigration personnel na umalis ng bansa patungong Singapore noong Disyembre  19, 2011.  Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply