Palparan namataan na

IPINAHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na nakatanggap na sila ng ulat na may mga nakakita sa nagtatagong si Ret. Army Maj. Gen. Jovito Palparan na wanted sa kasong kidnapping with serious illegal detention.

Sinabi ng kalihim na inutusan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na beripikahin ang naturang impormasyon.

Tumanggi naman si De Lima na magbigay ng karagdagang detalye upang hindi maapektuhan ang manhunt operation ng NBI kay Palparan gayundin sa kapwa nito akusadong si M/Sgt. Rizal Hilario.

Matatandaang matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Bulacan Regional Trial Court (RTC) Branch 14, hindi na natagpuan pa si Palparan at Hilario habang kusa namang sumuko ang dalawa pa nilang kapwa akusado na sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr. at S/Sgt. Edgardo Osorio.

Nagbigay na rin ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng P500,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Palparan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply