Pamamalakad sa Cebu jail, binatikos

DISMAYADO ang human rights advocacy group na KARAPATAN-Central Visayas sa diumano’y hindi tamang pagtrato sa international human rights observers na nagtungo sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) kaninang umaga.

Nabatid na nagtungo sa CPDRC ang mga miyembro ng Amnesty Internationale na nakabase sa London upang bisitahin ang mga bilanggong pulitikal at si peace advocate Ramon Patriarca.

Hinarang umano kaagad sila ng mga guwardiya ng nasabing piitan at ang tanging naging paliwanag sa kanila ay mahigpit daw na iniutos ni Gov. Gwendolyn Garcia na dapat humingi muna ng pahintulot sa kanya ang mga bibisita kay Patriarca.

“This treatment bares the climate of martial law pervading in the jail amidst the noise created by the dancing inmates,” ani Dennis Abarrientos, pangkalahatang kalihim ng KARAPATAN-Central Visayas sa isang opisyal na pahayag sa media.

Ipinapakita lamang umano nito ang mapaniil na uri ng pamamahala sa Cebu na binabalewala ang batayang karapatan ng mga naaakusahan kabilang na ang nararapat na pagkilala sa pagiging inosente nila hanggang sa mapatunayang nagkasala.

Bunsod nito, nanawagan ang grupo sa mga nangangasiwa sa piitan, gayundin sa lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Cebu na igalang ang karapatan ni Patriarca at itigil na ang mapaniil nilang mga pulisiyang ipinatutupad sa nasabing kulungan. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply