Pamangkin ng Tanauan vice-mayor tinambangan

NAPATAY ang pamangkin ng inambush na vice mayor ng Talisay, Batangas at ang bodyguard nito matapos tambangan kaninang umaga.

Batay sa inisyal na ulat, sakay ng kotse ang pamangkin ng napatay na si Talisay Vice-Mayor Florencio “Jojie” Manimtim, Jr. na kinilalang si Dan August Manimtim at bodyguard nitong si Joel Caringal nang  tambangan ng mga hindi pa kilalang suspek sa kahabaan ng highway sa Barangay Tumaway dakong alas-8:00 kaninang umaga.

Agad namang napatay sa follow-up operation ang dalawang suspek sa bayan na ng Tanauan.

Hindi pa kinikilala ang dalawang napatay na suspek at hinihinalang politika ang motibo sa pananambang.

Matatandaang noong Disyembre, napatay sa ambush si Vice-Mayor Manimtim habang nasa SM Mall of Asia sa Pasay City. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply